PHINMA UPang, Pumangalawa sa Aug 2026 MTLE; 98 na bagong RMTs, Pinarangalan sa Porsyento

PHINMA UPang, Pumangalawa sa Aug 2026 MTLE; 98 na bagong RMTs, Pinarangalan sa Porsyento

Star Save

Hindi maikakaila ang husay ng Departamento ng Medical Laboratory Science (MLS) ng PHINMA University of Pangasinan (UPang) matapos nitong angkinin ang ikalawang puwesto sa mga pinakamahusay na paaralan sa buong bansa sa ginanap na Medical Technologists Licensure Examination (MTLE) noong Agosto 2026, laban sa 152 institusyon.


Ipinagdiwang ng institusyon ang tagumpay na ito kasabay ng pagpaparangal sa 98 na bagong Registered Medical Technologists (RMTs) sa ginanap na Porsyento Testimonial Ceremony nitong Setyembre 10, 2026, sa PHINMA UPang Gymnasium. Bitbit ng departamento ng UPang MLS ang perpektong 100% passing rate para sa mga first-time takers at 98% overall passing rate.


“The best chapter of UPang MLS is still ahead of us. From students, graduates, administrators, and faculty, this is our story. From small beginnings towards achieving a thousand dreams through difficult seasons, from surviving to thriving.” pahayag ni Dr. Hannah Balanon, MLS Program Head.


Tampok sa seremonya ang mismong pagkilala at pagbibigay ng parangal sa mga bagong RMTs, kabilang ang mga nakakuha ng markang "line of 9" at mga topnotchers. Nakiisa rin at nagpaabot ng kani-kanilang mensahe ang mga namumuno sa unibersidad at departamento na sina Chief Operating Officer Engr. Lyndon G. Padama, College of Allied Health Sciences Dean Prof. Rosario Charisse R. Venzon, MLS Program Head Dr. Hannah A. Balanon, at MLS Department Academic Coordinator John Michael M. Vilano.


“Can we sustain what we achieved today? Can we do it again? Can we improve even further? That is the challenge we will answer. Are you ready for the next challenge?” dagdag pa ni Dr. Balanon.


Nag-iwan naman ng inspirasyon ang limang kinatawan ng mga bagong RMTs sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga naging karanasan, kasama si Kayla Gayle Raymundo, RMT, na nagbigay ng mensahe para sa mga susunod na kukuha ng licensure exam; “It will test you, the board exam preparations, in ways you probably won’t expect para tayo ay maging successful.”


Sa pagtatapos ng programa, bitbit ng bawat dumalo ang pagmamalaki at patuloy na dedikasyon sa propesyon. Isang patunay ito na sa UPang MLS, walang atrasan. Abante lamang. Abante MedTek!

Comments (0)

Log in to post a comment.

No comments yet. Be the first to comment!


Latest Articles

MOST READ ARTICLES
WHERE THE FLOOD MONEY GOES August 21, 2026 By The Students' Herald
Millions down the drain August 23, 2026 By Bea Andrea Jimenez
ALL ROADS LEAD BACK TO FLOODING August 22, 2026 By Adriane Paul Galvez Soriano
Bayan o sarili, pumili ka! August 02, 2026 By Bea Andrea Jimenez
CROPPED LIVES AND CROPS BY CROC August 24, 2026 By Michaela C. Quinto
𝗧𝗶 𝗠𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗮 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀 August 29, 2026 By MARUJA T. CABRITO
Footer

Tell Us What You Think

We’d love to hear your thoughts, feedback, or suggestions.