" π—›π—”π—žπ—•π—”π—‘π—š π—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗦𝗔 π—ͺπ—”π—žπ—”π—¦β€

" π—›π—”π—žπ—•π—”π—‘π—š π—£π—”π—£π—”π—Ÿπ—”π—£π—œπ—§ 𝗦𝗔 π—ͺπ—”π—žπ—”π—¦β€

Star Save
Ngunit sa bawat hakbang ng aking paa’y ramdam ko ang bigat na dulot ng ating pagmamahal. Muli akong umupo sa bus stop at umaasang darating ka. Kahit ang kalaban ko’y nasa itaas, handa akong sungkitin ang bawat pakpak ng mga anghel, makapiling ka lamang habang pinagmamasdan ang napakagandang kulay ng kalangitanβ€”kahel. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili kong damdamin ang mga emosyong matagal kong kinimkim.

Kinaya naman natin lahat hindi ba? Mula sa pakikipagbaka sa paniniwala ng simbahan kung saan sinasabi nila’y ang pagkikipag-ibigan sa kapareho ng kasarian ay isang kasalanan. Hanggang sa natamasa natin ang pagtanggap na ang pagmamahalan natin ay hindi nasusukat sa estado ng buhay at hindi ito limitado sa dalawang kasariang nakagisnan ng sambayanan.

Pero mahal, nandito muli ako. Kinaya natin lahat, hinarap ang bawat pagsubok na dumaan, pero bakit parang kasalanan ang pagmamahal? Naalala ko kung pa’no tayo lumaban pero isa lang ang hindi natin matalo-talo, ang kamatayan. Mula nang lisanin mo ang mundong to’y para na ring sumama ang masasayang alaalang napalitan ng lungkot at puot.

Kung nandiyan lamang ang maykapal sa iyong tabi, maari mo ba siyang sabihan na makapiling kita saglit? Kahit dito lang sa bus stop, kahit ilang minuto lamang. Gusto lamang kitang mayakap at sabihing mahal na mahal kita. Gusto ko lang makita ang iyong mukha, ang iyong mga ngiti, ang iyong mga mata, ang iyong boses na nagpapakalma sa isip kong tila nalulunod sa isang lawa.

Hindi naman siguro ikakagunaw nang mundo kung papayagan ka niyang bumaba nang ilang minuto. Kung totoo mang hindi kasalanan ang pagmamahal, maari ba niya tayong pagbigyan?

Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga salitang gustong gusto kong marinig ng lahat. Muli, binuksan ko ang aking mga mata. Hindi nagbago ang tanawin sa bus stop. Ang mga tao’y may kaniya kaniyang pupuntahan. May mga estudyanteng magkakasamang sumakay sa bus at abot tenga ang kanilang mga ngiti habang nagtatawanan, may isang babae namang may mga bitbit na plastik na may lamang grocery items at sumakay ng jeep, at may isang babae nakasuot ng sports bra at airpods sa magkabilang tenga.

Ang mga sasakyan ay maingay at umuusok lalo na ang mga jeep na punong puno ng pasahero.

Lahat sila’y may kaniya kaniyang mundo at kaniya kaniyang destinasyong pupuntahan. Hanggang sa may natanaw akong pamilyar na lalaki, marami mang mga nakapaligid ngunit tila ba’y may ilaw na nakatutok sa kaniyang pwesto.

Halos humiwalay na ang aking kaluluwa habang siya’y pinagmamasdan. Totoo ba ito? Nandito siya ngayon sa aking harapan? Sinayasat ko ang kaniyang hubog, suot niya ang asul na polo shirt na niregalo ko sa kaniya noon, pati na rin ang kwintas na may letra ng aking pangalan.

Sa bawat hakbang, tila ba nawawala ang mga bagay at tao sa aking paligid. Anong nangyayari?

β€œMahal…” asik niya. Ang kaniyang tono’y may halong banyaga parin ngunit ito’y nagpapabilis ng tibog ng aking puso.

Namumuo ang mga luha sa aking mga mata.

Inabot niya ang kaniyang kamay. Ang hiwaga tignan.

β€œJohn!”

Napatigil ako nang may sumigaw ng aking pangalan. Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa, at sa likod ngunit hindi ko maaninag ang sumigaw ng aking pangalan.

β€œJohn!”

May sumigaw na naman.

Napatingin ako sa kaniya. β€œAno β€˜yon?” tanong ko.

Ngunit hindi siya sumagot at nanatiling kalmado. Ilang minuto pa’y nagsalita siya. β€œHanda ka na ba?” tanong niya.

Kumunot ang aking noo at nalito doon. Para saan? Anong handa?

Maya-maya pa’y may narinig akong tunog, ito’y tunog ng isang life machine, halintulad ng mga napapanood kong mga teleserye at K-Drama. Napahawak ako sa aking noo dahil sobrang kirot, sobrang hapdi.

Hanggang sa nakita ko ang mga nakakasilaw na ilaw sa isang kwarto, may mga doktor na nakasuot ng scrubs, face masks, at headgear. Mahigpit ang hawak sa aking kaliwang kamay ng isang babae…ang aking kapatid.

Doon ko naalala ang lahat. Mula noong namatay siya, nilulong ko ang sarili ko sa kalungkutan. Hindi ako lumabas ng kwarto, hindi ako kumain, at sumuko na akong mabuhay. Dahil gusto ko na siyang makasama sa kabilang buhay.

Ngayon, nandito siya sa bus stop upang ako’y sunduin. Nandito siya muli sa aking harapan. Ang ilang buwan kong pagdadasal na makita siya ngayo’y natupad na.

Ilang minuto pa, binaba na niya ang kaniyang mga kamay. Kita ko ang lalim ng iniisip niya sa kaniyang mga mata. β€œAlam ko…” ani niya. Nanginginig ang aking mga labi at tuluyan na akong umiyak. Unti unti siyng yumuko at niyakap ako nang mahigpit.

β€œHindi mo na kailangang ikulong ang sarili mo, John.” aniya. β€œHayaan mong ang pagmamahal mo sa akin ang maging tulay upang makamtan mo ang liwanag na matagal mo nang hinahanap.”

Unti unti kong hinaplos ang kaniyang likod. Ilang beses kong hiniling na makasama ka. Ngunit, napagtanto ko, ang pagsama sayo’y pagsawalang bahala ng lahat ng pinagdaanan nating dalawa. Siguro, hindi pa ito ang panahon upang tayo’y magkita. Bagama’t naniwala tayong ang pagmamahal nati’y hindi isang kasalanan.

β€œMahal na mahal kita…” sambit ko sabay haplos sa kaniyang mukha bago ako pumikit.

Pagdilat ko ng aking mga mata.

β€œDoc! Bumalik na ang heartbeat niya!”

Comments (0)

Log in to post a comment.

No comments yet. Be the first to comment!


Latest Articles

MOST READ ARTICLES
CAHS welcomes board exam passers, topnotchers with grand motorcade October 07, 2026 By Ruth Angela L. Diaz
WHERE THE FLOOD MONEY GOES August 21, 2026 By The Students' Herald
Millions down the drain August 23, 2026 By Bea Andrea Jimenez
ALL ROADS LEAD BACK TO FLOODING August 22, 2026 By Adriane Paul Galvez Soriano
CAS officers assembly sets sail to strengthen student leadership October 11, 2026 By Jerelle L. Tomelden
Bayan o sarili, pumili ka! August 02, 2026 By Bea Andrea Jimenez
Footer

Tell Us What You Think

We’d love to hear your thoughts, feedback, or suggestions.