Paโno ba dapat ang sistema kapag magkasintahan kayo ng kapareho mo ng kasarian? Dapat ba tulad sila ng dalawang kaibigan ko kung saan may malinaw silang papel sa isaโt isaโang babae at ang lalaki. Ang lalaki ang nanunuyo, ang mapagbigay, ang dapat na kumatawan bilang protektor ng kaniyang kabiyak. Ang babae naman ay ang siyang nagbibigay ng liwanag sa isa, ang kailangan lamang niyang gawin ay ipresinta ang kaniyang sarili bagamaโt ito ang nararapat.
Nandito ako muli sa aming inuman. Pinagmamasdan ang dalawa at pinapaulanan ng tanong ang aking isip. Hanggang sa dumating ang isang lalakiโmalayo palang alam ko na kung sino ito.
โKanina ka pa ba?โ tanong niya at umupo sa tabi ko. Agad na namuo ang ngiti sa aking mga labi. Nandito na siya, si Peter. โPasensya na love, ang lala ng traffic eh. Kumain kana ba?โ parang natural na lamang sa kaniya na itanong ang mga katagang iyon, hindi ko maiwasang mapangiti at pilit na tinatago ang kilig sa pamamagitan ng pagyukom sa tela ng aking pang-ibaba.
Ngunit, muli kong natanaw ang dalawa kong kaibigan na tila ba may sariling mundo. โMay tanong akoโฆโ sambit ko, agad na nilapit ni Peter ang kaniyang mukha sa akin at hinihintay ang susunod kong sasambitin. โSa relasyon natin, sa tingin mo ba ako yung babae at ikaw yung lalaki?โ
Napakunot ang noo ni Peter. โBaโt mo naman natanong โyan?โ tugon niya. โMatagal ko na kasing iniisip yun eh, parehas tayo ng kasarian. Pero pakiramdam ko minsan kailangan may papel tayong ginagampananโฆtulad nila Eya at Josef.โ
Rinig ko ang buntong hininga ni Peter. โAldrin, hindi natin kailangang ikulong ang sarili natin sa kung ano ang nakasanayan. Siguro nasasabi mo โyan ngayon dahil iyon ang kinalakihan natin pero kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya sa mundo, nagbabago din ang mga kinagisnan nating papel sa isang relasyonโ
May punto si Peter. Muli ko siyang hinarap at nakita ko ang pagmamahal sa kaniyang mga mata. Namuo ang ngiti sa aking mga labi bagamaโt ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa aking isipan ay nabigyan na ng kasagutan.
Ang pagmamahal ay hindi lamang nakabase sa kung ano ang papel na dapat gampanan ng dalawang tao. Hindi sapat na basehan ang kasarian upang ikulong ang ating sarili bagamaโt ang pagmamahal ay dapat malaya.
Hinawakan ko ang kamay ni Peter. Binigyan niya ako ng isang ngiti na nagpa-antig sa aking puso. Muli, wala kaming malinaw na basehan kung sino ang lalaki at babae ngunit ang pgmamahal namin ay ipinapakita namin sa isang paraang hindi nakasanayan.
Dahil muli, ang pagmamahal ay hindi isang daan upang ikulong ang sarili ngunit itoโy isang daan upang maging malaya.
Comments (0)
Log in to post a comment.
No comments yet. Be the first to comment!
Edit Comment