Bayan o sarili, pumili ka!

Bayan o sarili, pumili ka!

Star Save
Tinatayang 46 porsyento ang populasyon ng Pilipinong gumagamit ng Generative Artificial Intelligence ayon sa inilabas na ulat ng Jobstreet. Sa panahong tila teknolohiya at mga makina na ang nagdidikta sa pang-araw-araw na takbo ng ating buhay, hindi na maitatanggi ang tindi ng pag-angat ng Artificial Intelligence (AI)โ€”hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ramdam na ramdam ang epekto nito sa trabaho, edukasyon, at sa simpleng pamumuhay ng mga Pilipino na nagdadala ng malaking banta at pagbabago sa kasalukuyan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ

Bunsod ng matinding impluwensiya ng AI sa mundo, nag-uunahan ang mga dambuhalang bansa sa pag-agaw sa trono. Upang seguruhin ang kanilang monopolyo sa bagong rebolusyong ito, walang-kapasubaling inilunsad ng Estados Unidos ang โ€˜Pax Silicaโ€™ noong Disyembre 12, 2025. Sa pangunguna ni Under Secretary of State for Economic Affairs Jacob Helberg, isinagawa ang kauna-unahang summit nito bilang hakbang upang kontrolin ang AI at ang buong pandaigdigang supply chain.

Sa ilalim ng pakikipag-alyansa sa 23 karatig-bansaโ€”kabilang ang Japan, South Korea, Singapore, Netherlands, Israel, United Arab Emirates, United Kingdom, at Australiaโ€”nilalayon ng Estados Unidos na solohin at supilin ang pagmamanupaktura ng semiconductors, pagmimina ng mga kritikal na mineral, at pagtatayo ng ekta-ektaryang data center. Lalo't higit, malinaw na layunin nitong ipagkait ang teknolohiya sa mga katunggali gaya ng Tsina. Sa halip na tunay na kaunlaran, ginagawang muog at pain lamang ng US ang mga kasaping bansa upang idikta ang takbo ng pandaigdigang merkado.

๐—ฆ๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ

Maging ang Pilipinas ay hindi nakaligtas sa galamay ng estratehiyang ito; kabilang ang bansa sa mga nakipag-alyansa sa kasunduan kung saan itatayo ang 1,600-hektaryang AI hub sa New Clark City, Tarlacโ€”isang hakbang na bagama't buong kawalang-hiyaang ipinagmamalaki ng administrasyon, mariing tinutuligsa naman ng karamihan.

Nilagdaan ni Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo, na siya ring Managing Head at Vice Chairperson ng Board of Investments, ang deklarasyong nagpapatibay sa pagsapi ng Pilipinas sa naturang inisyatibo noong Abril 17, 2026. Bunsod nito, inihayag ng Embajada ng Estados Unidos sa Maynila noong Biyernes na magtatayo ang Pilipinas at US ng isang 4,000-akreng industrial zone sa Luzon Economic Corridor (LEC) na magsisilbing โ€˜kauna-unahangโ€™ AI-native industrial acceleration hub sa ilalim ng Pax Silica.

Hindi rin nagatubili si Marcos na ipagmayabang sa kanyang ikalimang SONA noong Lunes, Hulyo 27, ang iminumungkahing industrial hub na magiging sentro diumano ng pandaigdigang AI value chain. Ang ganitong pahayag ay patunay lamang ng kanyang buong-pusong pagpapagamit sa dayuhang amo. Ipinangangalandakan niyang maghahatid ito ng mga de-kalidad na trabaho, mapapabilis ang industriya, at magbibigay-sigla sa ekonomiya. Ngunit nagbubulag-bulagan ang pangulo sa katotohanang ibinebenta niya ang lupa, tubig, kuryente, at mismong soberanya ng mamamayang Pilipino.

๐—š๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ฆ ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ, ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฎ?

Ang mga baterya, makabagong aparato, at ang mismong AI ay kailanman hindi mamamayagpag kung walang mga mineral tulad ng nickel, cobalt, at tansoโ€”mga yamang-lupang panggatong sa bagong rebolusyong ito. Ang Pilipinas ang isa sa mga nangungunang bansa na nag-aangkat ng ore at ng nickel, na bumubuo sa mahigit isang-kapat ng pandaigdigang supply. Mahigit 98 porsyento nito ay napupunta sa Tsina.

Ang Pax Silica, bagamaโ€™t pabalat-bunga na inihahayag bilang inisyatiba para sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagtataas sa bilang ng trabaho, ay walang iba kundi kasangkapan ng mga gahamang bansa. Tayo ang nag-aangkat ng mga hilaw na materyales at gumagawa ng mga produktong mababa ang halaga, samantalang ang ibang bansa naman ang nagpapakasasa sa teknolohiya, kontrol, at mas matataas na kita.

Idagdag pa rito na kasalukuyang ginigiit ng Tsina ang bansa sa agawan ng teritoryo. Sa kabila ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong Hulyo 12, 2016 na nagpawalang-bisa sa tinatawag na โ€˜nine-dash lineโ€™ ng Tsina at nagpatibay sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa ilalim ng 1982 UNCLOS, patuloy pa rin ang militarisasyon at agresibong kilos ng mga barko ng Tsina sa West Philippine Sea. Ang patuloy na panggigiit sa mga mangingisdang Pilipino at sa mga resupply mission sa mga ayungin at shoals ay nagdudulot ng matinding banta hindi lamang sa pambansang soberanya at seguridad, kundi maging sa kabuhayan ng mga lokal na komunidad at sa yamang-dagat ng bansa.

Ngayong ginagamit ng Estados Unidos ang proyektong Pax Silica upang paitingkahin ang impluwensya nito sa teknolohikal na imprastraktura, hindi malabong magkaroon ng girian ang dalawang nagtatagisang kapangyarihan. Sa salpukan ng dalawang dambuhalang bansa, ang mamamayang Pilipino na naman ang kawawang sasalo ng bala.

๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ?

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong Timog-Silangang Asya at sa buong kontinente ng Asya. Malaking dahilan nito ang labis na pagdepende sa mga imported na fossil fuel, pati na rin ang umiiral na mga mekanismo sa merkado at estruktura ng pribatisasyon. Sa katunayan, higit sa 75% na pagkalahatang suplay ng enerhiya sa bansa ay nagmumula sa fossil fuel tulad na lamang ng karbon, natural gas, at maging ang langis. Ang madalas na pagpataw ng red at yellow grid alerts tuwing tag-init ay nagdudulot ng mga rotational blackout lalo na sa mga lalawigan na mayroong limitadong kooperatiba ng kuryente.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations University, tinatayang kumonsumo ang mga data center ng 448 terawatt-hours (TWh) ng kuryente noong 2025โ€”mas mababa sa France na kumonsumo ng 476 TWh at mas mataas kaysa sa Iran na kumunsumo naman ng 397 TWh. Ang kabuuang demand naman ng Pilipinas sa parehong taon ay umabot sa 123 TWh, sobrang baba kaysa sa naturang data center.

Kung kayaโ€™t isa ang suplay at presyo ng kuryente sa bansa ang nakikitang suliranin kapag tuluyang naipatayo ang ekta-ektaryang AI hub sa Tarlac. Nangangailangan ang mga AI data center ng patuloy na konsumo sa kuryente upang patakbuhin ang libo-libong server, mga cooling system, at mga kagamitan sa networking. Ang nakaplanong 1,600-hektaryang Pax Silica hub sa Tarlac ay tinatayang mangangailangan ng hanggang 3 GW ng kuryente. Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang Available Generating Capacity ng Luzon sa kasalukuyang buwan ay tinatayang 15,427 MW. Ibig sabihin lamang nito na halos isang-kaanim na bahagi o labing-anim na porsyento ng kabuuang kuryente sa Luzon ang pangangailangan ng naturang AI hub.

Mas mapapadalas ang mga yellow at red alert dahil sa walang-patid na operasyon ng mga AI hub. Ang ganitong kalaking demand ay magdudulot ng mas madalas na rotational brownout sa ating mga komunidad. Bukod dito, dahil ang Pilipinas ay may isa sa pinakamataas na singil sa kuryente sa Asya dulot ng pagdedepende sa fossil fuels, ang biglaang pagtaas ng demand ay nangangahulugan din ng mas mataas na pangangailangan sa Liquefied Natural Gas (LNG) upang matugunan ang baseload. Sa huli, ang mataas na gastos sa produksyon ay magdudulot din ng mas mabigat na singil sa mamamayan.

Ayon sa pahayag nina Energy Undersecretary Rowena Guevara at Secretary Sharon Garin, embedded generation ang itinuturing nilang pinakamabilis na solusyon upang hindi na kumuha ng kuryente sa Luzon Grid at maiwasan ang brownout. Subalit hindi ito magiging sapat upang matugunan ang labis-labis na pangangailangan ng AI hub. Hindi imposibleng aasa pa rin ito sa National Transmission Grid upang masigurong tuloy-tuloy ang paggana nito. Isa pa sa itinuturong solusyon ay ang proyektong nakatuntong sa renewable energy na ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ay gagamit ng solar energy upang maibigay ang kinakailangan nitong 3 GW.

Subalit sa kabila ng hindi na nga matugunan ang sarili nating pangangailangan sa kuryente, magdaragdag pa ang bansa ng panibagong kahati rito. Hindi na nga maibigay ang sapat na pansin sa renewable energy, gagawin pa itong panakip-butas na solusyon. Kailan ba uunahin ng pamahalaan ang mismong kapakanan ng mamamayang Pilipino?

๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ž๐˜‚๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ?

Halos 34 porsyento ng populasyon sa bansa, na tumutumbas sa 40 milyong Pilipino, ang salat pa rin sa sapat at malinis na suplay ng tubig. Sa katunayan, ang pinakamalaking water reservoir sa bansa, ang San Roque Dam na matatagpuan sa Pangasinan, ay mayroon lamang 226.91 m sa pagpasok ng buwan ng Agosto, mas mababa sa normal nitong lebel na 280.0 m.

Dito na papasok ang suliranin sa suplay ng tubig oras na maipatayo ang naturang hub. Ang mga high-performance AI computer servery labis na umaasa hindi lamang sa tuluy-tuloy na pagkonsumo ng kuryente kundi maging sa tuloy-tuloy na paggamit ng tubig para sa kanilang mga evaporative cooling system at sa paggawa ng Ultra-Pure Water (UPW). Sa katunayan, ang ilang pasilidad ng AI sa ibang bansa ay kumokonsumo ng hanggang 5 milyong galon, o humigit-kumulang 18.9 milyong litro ng tubig bawat araw para lamang sa cooling system nito ayon sa Kalikasan Peopleโ€™s Network for Environment (KPNE). Ang 1,600-hektaryang Pax Silica technology and AI hub ay tinatayang kokonsumo ng hanggang 130 milyong litrong tubig bawat araw. Isang matinding dagok ito sa mamamayang Pilipino. Sa gitna ng salat na suplay at kawalan ng tiyak na pagkukunan ng malinis na tubig sa bansa, masaklap na mauunahan pa tayong maubusan ng mismong mga proyektong ipinangangakong magdadala ng kaunlaran.

Ipinahayag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na aasa ang hub sa tubig-ulan at mga surface reservoir na may nakaplanong kapasidad na mag-imbak ng 65 milyon hanggang 120 milyong litro bawat araw sa halip na kumuha ng tubig sa mga groundwater aquifer. Sa ilalim ng Modified Coronas Climate Classification na ginagamit ng DOST-PAGASA, ang Tarlac ay pangunahing nabibilang sa Type I Climate. Ibig sabihin lamang nito, ang lalawigan ay nakararanas ng pag-ulan mula Hunyo hanggang Oktubre. Hindi magiging sapat kung aasa lamang sa suplay ng tubig-ulan ang AI hub laloโ€™t mabilis itong uminit. Hindi maayos at detalyado ang iminungkahing solusyon ng BCDA, kung kayaโ€™t hindi kapani-paniwala ang itinuturan nito.

Hindi lamang banta sa suplay ang hatid na panganib ng AI kundi maging sa kalusugan ng komunidad. Ayon sa Environmental Health Sciences, ang mga itinatapong maruming o blowdown sa mga ilog ay naglalaman ng mga kemikal gaya ng biocides at Perโ€‘ and Polyfluoroalkyl Substances (PFAS). Sa katunayan, nagbayad ng tinatayang ang $20.5 milyong class-action settlement Amazon Data Center sa Oregon, isang estado mula sa Estados Unidos, matapos akusahan na ang cooling system nitoโ€™y nagdulot ng kontaminasyon sa tubig at nagbunga ng mga sakit.

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎโ€™๐˜† ๐—œ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„ ๐—ก๐—ฎ, ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—Ÿ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ?

Ang higit na maaapektuhan sa suliraning ito ay ang mga katutubong Pilipino. Ayon sa Kalikasan Peopleโ€™s Network for the Environment (KPNE), nasa 20,000 katutubo at 15,000 magsasaka ang nanganganib na mapalayas mula sa kanilang mga tahanan at sakahan. Ipinag-alam ng tagapag-ugnay ng KPNE na si Cathleen De Guzman na dekada nang ipinaglalaban ng mga Aeta ang pormal na pagkilala sa kanilang lupang ninuno. Subalit ang kawalan ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) sa ilang bahagi ay patuloy na ginagamit upang ipagkait ang karapatan ng mga katutubong roon na namumuhay bago pa man dumating ang mga proyektong nangangamkam ng lupa.

Sa kabilang banda, iginiit ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), sa pangunguna ng Presidente at CEO nitong si Joshua Bingcang, na walang magsasaka o katutubong mawawalan ng tirahan o kabuhayan. Binigyang-diin ng BCDA na ang proyekto ay eksklusibong nakatayo sa loob ng mga idinisenyong โ€˜buildable zonesโ€™ ng New Clark City.

Gayunpaman, pikit-matang itinatanggi ng korporasyong ito ang mas malalim na epekto ng proyekto. Ang pagiging โ€˜buildable zoneโ€™ ng New Clark City sa papel ay hindi nangangahulugang walang taong naninirahan o umaasa sa lupaing iyon. Hindi lamang ang mamamayang Pilipino ang mawawalan ng lupain, kundi maging ang kalikasan ay mawawalan din ng isang mahalagang bahagi ng kaniyang katawan.

Mayaman ang ating bansa sa likas na yaman, subalit pilit itong dinudungisan at sinisira para lamang sa pansariling interes ng iilan.

๐—”๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ก๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ?

Ipinaglalaban ng administrasyon ang benepisyong hatid ng Pax Silicaโ€”ang humigit-kumulang 130, 000 trabaho para sa mamamayang Pilipino. Isa pa rito, sa pamamagitan ng pag-uugnay sa Subic Bay Port at sa Luzon Economic Corridor, magiging pangunahing hub para sa advanced manufacturing at teknolohiya ang Gitnang Luzon sa Timog-Silangang Asya. Posible rin itong maghatid ng limpak-limpak na investment na maaaring magamit sa pampublikong serbisyo.

Nakakabulag man ang kinang ng gintong ibinabandera ng Pax Silica, hindi maikakaila na tanso pa rin ang nasa loob nito. Sa bawat benepisyong ipinagmamayabang ng proyekto ay may kalakip na banta sa buhay at kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Katunayan, marami nang bansa at estado ang mariing bumabatikos sa pagtatayo ng mga dambuhalang data center. Kabilang na rito ang New York sa Amerika, na kamakailan ay nagpatupad ng isang taong moratoryo sa mga data center na kumokonsumo ng 50 megawatts ng kuryente o higit pa.

Kung ang mismong estado sa Estados Unidos ay kayang putulin ang kasakiman ng mga data center para sa kapakanan ng kanilang mamamayan, bakit hindi natin magawa para sa sarili nating bayan?

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—•๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†-๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€?

Sa dinami-dami ng mga bansang alyado ng Pax Silica na may sapat na teknolohiya at imprastruktura, bakit sa Pilipinas pa na salat sa kakayahan itinayo ang pasilidad? Ito ba ay dahil sa limpak-limpak nitong mineral at lupa? O dahil mas madaling utuin ang mga Pilipino sa kakarampot na biyaya?

Lumagda ang administrasyon sa isang alyansang akala nilaโ€™y magiging pinto patungo sa kaginhawaan. Subalit hindi nila namalayan na ang tintang ginamit sa kasunduan ay dugo ng sarili nating mamamayanโ€”sapagkat ang karaniwang Pilipino ang laging napupuruhan kapag ibinebenta ang bayan. Hanggang kailan natin ipapagamit ang ating inang bayan bilang sakripisyo sa dambana ng dayuhang kaunlaran?

Sa likod ng mapagkunwaring progresibong retorika ng gobyerno, tahasang ibinebenta ang kinabukasan ng bayan. Ibinaon ang isang paa ng mga mamamayan sa hukay, inagawan ng lupa, pinatay ang kabuhayan, at inilako ang ating soberanya sa mga banyagang naghuhugas-kamay. Hindi masamang maghangad ng pag-unlad; hindi kasalanan ang magnais na kumawala sa tanikala ng kahirapan. Ngunit ang ipagkanulo ang sariling bansa at maging sunud-sunuran sa dayuhan ay hindi na kaunlaranโ€”ito ay pagpapairal ng pansariling interes at hayagang pagtataksil sa bayan.

Hindi pa huli para ipaglaban ang lupang sa atin naman talaga nakapangalan, at hindi sa administrasyong sadyang nangangamkam lamang.

Bayan o sariliโ€”saan ba talaga nakatutok ang iyong katapatan?

Comments (0)

Log in to post a comment.

No comments yet. Be the first to comment!


Latest Articles

MOST READ ARTICLES
WHERE THE FLOOD MONEY GOES August 21, 2026 By The Students' Herald
Millions down the drain August 23, 2026 By Bea Andrea Jimenez
ALL ROADS LEAD BACK TO FLOODING August 22, 2026 By Adriane Paul Galvez Soriano
CROPPED LIVES AND CROPS BY CROC August 24, 2026 By Michaela C. Quinto
VIVA PHINMA: UPang welcomes Flames Community to new Academic Year July 12, 2026 By Clarenz Magalong
UPang Helping Hands serves 540 evacuees in Bugallon, Pangasinan September 02, 2026 By Ma. Airish Krizzia B. Aquino
Footer

Tell Us What You Think

Weโ€™d love to hear your thoughts, feedback, or suggestions.