Sa bawat pahina ng ating kasaysayan,
sa lupa’y nakabaon ang nakaraan.
Mga bayaning inalay ang buhay,
upang makamit ang inaasam na tagumpay
Hindi naging madali ang ating paglalakbay,
Maraming pagsubok ang hinarap sa buhay.
Ngunit tinabayan nila ang puso’t nanindigan,
hanggang maabot natin ang kalayaan.
Habang tanaw natin ang bukas na parating,
Pangarap ng ating bayan ay tuparin,
Ang kinabukasan ay nasa ating mga kamay,
Upang ang kasaysayan at nakaraan ay patuloy na mabuhay.
Dalhin natin ang aral mula sa kahapon,
habang tinatahak ang landas ng ngayon.
Patungo sa bukas na puno ng pag-asa,
kung saan tayo ay may pagkakaisa.
Sa bawat tibok ng puso nating sama-sama,
ang diwa ng bayan ay hindi mawawala.
Kalayaan nating pilit pinaglaban,
Mananatiling liwanag para sa ating kinabukasan.
Comments (0)
Log in to post a comment.
No comments yet. Be the first to comment!
Edit Comment