Ngunit sa bawat hakbang ng aking paaโy ramdam ko ang bigat na dulot ng ating pagmamahal. Muli akong umupo sa bus stop at umaasang darating ka. Kahit ang kalaban koโy nasa itaas, handa akong sungkitin ang bawat pakpak ng mga anghel, makapiling ka lamang habang pinagmamasdan ang napakagandang kulay ng kalangitanโkahel. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang sarili kong damdamin ang mga emosyong matagal kong kinimkim.
Kinaya naman natin lahat hindi ba? Mula sa pakikipagbaka sa paniniwala ng simbahan kung saan sinasabi nilaโy ang pagkikipag-ibigan sa kapareho ng kasarian ay isang kasalanan. Hanggang sa natamasa natin ang pagtanggap na ang pagmamahalan natin ay hindi nasusukat sa estado ng buhay at hindi ito limitado sa dalawang kasariang nakagisnan ng sambayanan.
Pero mahal, nandito muli ako. Kinaya natin lahat, hinarap ang bawat pagsubok na dumaan, pero bakit parang kasalanan ang pagmamahal? Naalala ko kung paโno tayo lumaban pero isa lang ang hindi natin matalo-talo, ang kamatayan. Mula nang lisanin mo ang mundong toโy para na ring sumama ang masasayang alaalang napalitan ng lungkot at puot.
Kung nandiyan lamang ang maykapal sa iyong tabi, maari mo ba siyang sabihan na makapiling kita saglit? Kahit dito lang sa bus stop, kahit ilang minuto lamang. Gusto lamang kitang mayakap at sabihing mahal na mahal kita. Gusto ko lang makita ang iyong mukha, ang iyong mga ngiti, ang iyong mga mata, ang iyong boses na nagpapakalma sa isip kong tila nalulunod sa isang lawa.
Hindi naman siguro ikakagunaw nang mundo kung papayagan ka niyang bumaba nang ilang minuto. Kung totoo mang hindi kasalanan ang pagmamahal, maari ba niya tayong pagbigyan?
Hinayaan ko ang sarili kong malunod sa mga salitang gustong gusto kong marinig ng lahat. Muli, binuksan ko ang aking mga mata. Hindi nagbago ang tanawin sa bus stop. Ang mga taoโy may kaniya kaniyang pupuntahan. May mga estudyanteng magkakasamang sumakay sa bus at abot tenga ang kanilang mga ngiti habang nagtatawanan, may isang babae namang may mga bitbit na plastik na may lamang grocery items at sumakay ng jeep, at may isang babae nakasuot ng sports bra at airpods sa magkabilang tenga.
Ang mga sasakyan ay maingay at umuusok lalo na ang mga jeep na punong puno ng pasahero.
Lahat silaโy may kaniya kaniyang mundo at kaniya kaniyang destinasyong pupuntahan. Hanggang sa may natanaw akong pamilyar na lalaki, marami mang mga nakapaligid ngunit tila baโy may ilaw na nakatutok sa kaniyang pwesto.
Halos humiwalay na ang aking kaluluwa habang siyaโy pinagmamasdan. Totoo ba ito? Nandito siya ngayon sa aking harapan? Sinayasat ko ang kaniyang hubog, suot niya ang asul na polo shirt na niregalo ko sa kaniya noon, pati na rin ang kwintas na may letra ng aking pangalan.
Sa bawat hakbang, tila ba nawawala ang mga bagay at tao sa aking paligid. Anong nangyayari?
โMahalโฆโ asik niya. Ang kaniyang tonoโy may halong banyaga parin ngunit itoโy nagpapabilis ng tibog ng aking puso.
Namumuo ang mga luha sa aking mga mata.
Inabot niya ang kaniyang kamay. Ang hiwaga tignan.
โJohn!โ
Napatigil ako nang may sumigaw ng aking pangalan. Lumingon ako sa kanan, sa kaliwa, at sa likod ngunit hindi ko maaninag ang sumigaw ng aking pangalan.
โJohn!โ
May sumigaw na naman.
Napatingin ako sa kaniya. โAno โyon?โ tanong ko.
Ngunit hindi siya sumagot at nanatiling kalmado. Ilang minuto paโy nagsalita siya. โHanda ka na ba?โ tanong niya.
Kumunot ang aking noo at nalito doon. Para saan? Anong handa?
Maya-maya paโy may narinig akong tunog, itoโy tunog ng isang life machine, halintulad ng mga napapanood kong mga teleserye at K-Drama. Napahawak ako sa aking noo dahil sobrang kirot, sobrang hapdi.
Hanggang sa nakita ko ang mga nakakasilaw na ilaw sa isang kwarto, may mga doktor na nakasuot ng scrubs, face masks, at headgear. Mahigpit ang hawak sa aking kaliwang kamay ng isang babaeโฆang aking kapatid.
Doon ko naalala ang lahat. Mula noong namatay siya, nilulong ko ang sarili ko sa kalungkutan. Hindi ako lumabas ng kwarto, hindi ako kumain, at sumuko na akong mabuhay. Dahil gusto ko na siyang makasama sa kabilang buhay.
Ngayon, nandito siya sa bus stop upang akoโy sunduin. Nandito siya muli sa aking harapan. Ang ilang buwan kong pagdadasal na makita siya ngayoโy natupad na.
Ilang minuto pa, binaba na niya ang kaniyang mga kamay. Kita ko ang lalim ng iniisip niya sa kaniyang mga mata. โAlam koโฆโ ani niya. Nanginginig ang aking mga labi at tuluyan na akong umiyak. Unti unti siyng yumuko at niyakap ako nang mahigpit.
โHindi mo na kailangang ikulong ang sarili mo, John.โ aniya. โHayaan mong ang pagmamahal mo sa akin ang maging tulay upang makamtan mo ang liwanag na matagal mo nang hinahanap.โ
Unti unti kong hinaplos ang kaniyang likod. Ilang beses kong hiniling na makasama ka. Ngunit, napagtanto ko, ang pagsama sayoโy pagsawalang bahala ng lahat ng pinagdaanan nating dalawa. Siguro, hindi pa ito ang panahon upang tayoโy magkita. Bagamaโt naniwala tayong ang pagmamahal natiโy hindi isang kasalanan.
โMahal na mahal kitaโฆโ sambit ko sabay haplos sa kaniyang mukha bago ako pumikit.
Pagdilat ko ng aking mga mata.
โDoc! Bumalik na ang heartbeat niya!โ
Comments (0)
Log in to post a comment.
No comments yet. Be the first to comment!
Edit Comment