โ€œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”โ€

โ€œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”โ€

Star Save
Paโ€™no ba dapat ang sistema kapag magkasintahan kayo ng kapareho mo ng kasarian? Dapat ba tulad sila ng dalawang kaibigan ko kung saan may malinaw silang papel sa isaโ€™t isaโ€”ang babae at ang lalaki. Ang lalaki ang nanunuyo, ang mapagbigay, ang dapat na kumatawan bilang protektor ng kaniyang kabiyak. Ang babae naman ay ang siyang nagbibigay ng liwanag sa isa, ang kailangan lamang niyang gawin ay ipresinta ang kaniyang sarili bagamaโ€™t ito ang nararapat.

Nandito ako muli sa aming inuman. Pinagmamasdan ang dalawa at pinapaulanan ng tanong ang aking isip. Hanggang sa dumating ang isang lalakiโ€”malayo palang alam ko na kung sino ito.

โ€œKanina ka pa ba?โ€ tanong niya at umupo sa tabi ko. Agad na namuo ang ngiti sa aking mga labi. Nandito na siya, si Peter. โ€œPasensya na love, ang lala ng traffic eh. Kumain kana ba?โ€ parang natural na lamang sa kaniya na itanong ang mga katagang iyon, hindi ko maiwasang mapangiti at pilit na tinatago ang kilig sa pamamagitan ng pagyukom sa tela ng aking pang-ibaba.

Ngunit, muli kong natanaw ang dalawa kong kaibigan na tila ba may sariling mundo. โ€œMay tanong akoโ€ฆโ€ sambit ko, agad na nilapit ni Peter ang kaniyang mukha sa akin at hinihintay ang susunod kong sasambitin. โ€œSa relasyon natin, sa tingin mo ba ako yung babae at ikaw yung lalaki?โ€

Napakunot ang noo ni Peter. โ€œBaโ€™t mo naman natanong โ€˜yan?โ€ tugon niya. โ€œMatagal ko na kasing iniisip yun eh, parehas tayo ng kasarian. Pero pakiramdam ko minsan kailangan may papel tayong ginagampananโ€ฆtulad nila Eya at Josef.โ€

Rinig ko ang buntong hininga ni Peter. โ€œAldrin, hindi natin kailangang ikulong ang sarili natin sa kung ano ang nakasanayan. Siguro nasasabi mo โ€˜yan ngayon dahil iyon ang kinalakihan natin pero kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya sa mundo, nagbabago din ang mga kinagisnan nating papel sa isang relasyonโ€

May punto si Peter. Muli ko siyang hinarap at nakita ko ang pagmamahal sa kaniyang mga mata. Namuo ang ngiti sa aking mga labi bagamaโ€™t ang mga tanong na matagal nang bumabagabag sa aking isipan ay nabigyan na ng kasagutan.

Ang pagmamahal ay hindi lamang nakabase sa kung ano ang papel na dapat gampanan ng dalawang tao. Hindi sapat na basehan ang kasarian upang ikulong ang ating sarili bagamaโ€™t ang pagmamahal ay dapat malaya.

Hinawakan ko ang kamay ni Peter. Binigyan niya ako ng isang ngiti na nagpa-antig sa aking puso. Muli, wala kaming malinaw na basehan kung sino ang lalaki at babae ngunit ang pgmamahal namin ay ipinapakita namin sa isang paraang hindi nakasanayan.

Dahil muli, ang pagmamahal ay hindi isang daan upang ikulong ang sarili ngunit itoโ€™y isang daan upang maging malaya.

Comments (0)

Log in to post a comment.

No comments yet. Be the first to comment!


Latest Articles

MOST READ ARTICLES
WHERE THE FLOOD MONEY GOES August 21, 2026 By The Students' Herald
Millions down the drain August 23, 2026 By Bea Andrea Jimenez
ALL ROADS LEAD BACK TO FLOODING August 22, 2026 By Adriane Paul Galvez Soriano
Bayan o sarili, pumili ka! August 02, 2026 By Bea Andrea Jimenez
CROPPED LIVES AND CROPS BY CROC August 24, 2026 By Michaela C. Quinto
VIVA PHINMA: UPang welcomes Flames Community to new Academic Year July 12, 2026 By Clarenz Magalong
Footer

Tell Us What You Think

Weโ€™d love to hear your thoughts, feedback, or suggestions.